Soksay UpDeyt
9 July 2023 – ππ¨π€π¬ππ² πππππ²π: Hulyo 06, 2023 | Pagpupulong kasama si Dean Leah
Ang UPB USC College of Social Sciences Committee, kasama ng mga kinatawan mula sa ibaβt ibang organisasyong pang-akademiko, at ang opisina ni Dean Leah ay nagpulong noong Hulyo 6, 2023.
Ang naganap na pagpupulong ay nagsilbing konsultasyon para sa iba’t ibang aktibidad ng kolehiyo para sa natitirang araw ng pang-akademikong taong β22-β23 at sa susunod na pang-akademikong taon, na sesentro sa pagbibigay serbisyo at pagtalakay sa pangangailangan ng sangkaestudyantehan sa loob ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan.
Pinapasalamatan natin ang paghahatid ng suporta ng mga organisasyong pang-akademiko at ang opisina ng dean sa pangunguna sa pagpaplano at konsultasyon na ito. Kasama ang mga kinatawan ng kolehiyo, ating patuloy na ipanguna ang ating hangaring pagsilbihan ang sangkaestudyantehan.
Lagi’t lagi para sa bayan!
